7.29.2006

Get High on Love

Makapagsulat nga sa Tagalog. Ok.. Taglish, kahit na Ingles ang pamagat nitong aking 'blag' (Tagalog ng Blog? O sige... jologs na bersyon ng 'blog')..

Ano ba ang mailalagay ko dito? Sa totoo lang wala pa akong maisip. Andito ako ngayon sa Cybermall, nagpapatay ng oras.. nagaantay sa nobyo ko (eeww.. nobyo! hehe!)... sira kase ang PC ko sa bahay. Tinatamad pa akong gawin yun. E ayoko namang dun lamang ako. Mas gusto ko kase umalis na lamang.

Ahhh.. alam ko na...

Nakakatuwa talaga ngayon... bakit? Dahil marami akong kilalang in-love. Tatlo sa malalapit na tao sa akin. Una na rito ang kaibigan ko (kabarkada ko nung highschool).. si Jonna. Pumapangalawa ang makulit at bibo kong officemate na si Malu. Pangatlo ay ang kaibigan kong si Jenpot, datapwat malayo (asa Canada sya) ay nakuha pa nyang ipadama sa amin ang nadarama nyang kaligayahan ng dahil sa drogang itago na lang natin sa pangalang.. Love. Hahaha! Alam ko, corny na... pero walang pakialamanan.

Simulan natin kay Jonna. Matagal na naming pinaguusapan magkakaibigan ang tungkol sa love at relationship. Sa aming 14.. (pero sa ngayon parang 12 na lang kaming active).. Sa amin, tanging kame lamang ni Siocy ang involved sa isang relasyon. Dati pati si Riahz, pero nilamon na ata sya ng 711. (Biro lang, tol!)...Anyway, highway, si Jonna ay maganda, mabait, masayang kasama, matamis (sweet.. hehe!), mapagmahal.. lahat lahat na.. Pero sya ay nangangamba.. dahil pakiramdam nya na walang seseryoso sa kanya, walang magkakagusto sa kanya dahil sya ay bibo/makulet/maingay.. Sinasabi namin sa kanya na hindi totoo iyon. Ang taong tunay na magmamahal sa kanya ay ang taong tatanggap sa kung ano at sino sya. At matapos ang matagal nyang paghihintay, sa wakas, nakatagpo na sya ng taong magmamahal, tatanggap at magaalaga sa kanya. Kame, ang Chummies, ay masaya para sa kanya. "Finally!".. ika nga.

Isunod naman natin ang maligalig kong officemate. Sa maikling panahon na nakilala ko itong si Malu, masasabi kong gusto ko sya. Oi, hindi sa kung anu pa man.. (oo, babae po ako.. solid) dahil sa masiyahin at magandang nature netong babaitang ito.. At tila nasubaybayan ko kahit papaano ang nangyari sa kanya.. isa pa itong.. "Finally!"... Masaya ako na masaya na sya ngayon. Masaya ako at tinanggap na nya ang taong nagmamahal sa kanya ng lubos. Di tulad ng mga nakaraang bf's nya... (sorry, girl.. binasa ko kase blag mo tungkol sa mga ex mo.)

At ang panghuli ay ang kaibigan kong nakikipagsapalaran sa Canada.. Si Jenpot. Bagamat, sabihin nating hindi normal ang sexual preference nya, masasabi kong.. "eh ano ngayon?" Hangga't masaya ka at nakakapagpasaya ka ng iba... keber diba? Aba.. imported ata ang gelpren netong kaibigan ko. San ka pa!

Kaya kina RJ (bf ni Jonna), Mhil (bf ni Malu), Megan (gf ni Jen - teka, di pala nya 'to maiintindihan kase Tagalog.. eheh!)... Salamat.. Nang dahil sa inyo.. patuloy nating napapatunayan na ang Love ay isang masayang bagay. Drogang nanunuot sa puso, sa isip, sa ugat, sa kaluluwa. Isang bagay na kay sarap damahin at ayaw mo nang mawala... Pero syempre, gaya ng ibang bagay.. hinay hinay din.. dahil lahat naman ng sobra ay masama. Addiction can lead to tolerance, sabi nga ng kaibigan ko... Anu daw? Ingles eh. Dumudugo na naman ilong ko.

0 Comments:

Post a Comment

Links to this post:

Create a Link

<< Home